Friday, September 12, 2008

Bubble Tea


Kahapon napadaan ako sa SM North sabi ko sandali lng ako, hinde ako magtatagal kasi marami pa akong gagawin pero umabot din ako ng isang oras at mahigit! Sapagkat dadapwat ayon sa hinggil sa hinde sinasandyang pagkakataon napadaan ako sa Bubble Tea, matagal na akong nagcracrave sa bubble milk shake nila kaya yun napatambay muna ako at ninamnam ang sarap ng large double chocolate milk shake at sinamahan ko pa ng isang platitong mango tango cake! Ito lng ang masasabi ko: golly-wow-wow ang mahal ng order ko! umabot ng P215 O_O eh kung nagmcdo na lang kaya ako? less 100 lng ang magagastos ko pero usual food ko na yun kaya sige na nga pagbigyan ang hilig minsan lang naman! tanong: ganu kadalas ang minsan??? aishhhh..... sabi ko na nga ba dapat nag mango shake na lng ako 45pesos lng yun masaya na ko dun... hehehehe iaabot ko na nga lng yung bayad ko sa cashier kung anu ano pa ang nasaisip ko! uu mahal ang pagkain nila pero masarap naman! HONTOU NI OISHII!!!!!!!

Ayos din ang ambiance, relaxing dagdagan mo pa ng mga awiting hapon. Pakiramdam ko na sa land of the rising sun ako! Pilit kong inuunawa ang kanta pero ang irap! dumudugo na iyong tenga ko! nasabi ko na lng profound nihonggo yun! hehehehe... Umaasa ako na patugtugin nila ang chiisana koi no uta (Proposal daisakusen OST) gusto ko ang kanta na yun at kung sakali man baka mapasigaw ako ng "Hallelujah Chance!" at umasang babalik sa nakaraan... wahahahaha... (waffu ni yamapi *smitten*)

No comments: